Sa aking muling panonod ng mga Dokyumentaryo ukol sa ating pambansang bayani na si Gat.Jose Rizal, muling nabuksan ang aking kaisipan sa mga bagay na pilit ko nalamang isinasaisang tabi sapagkat ako may halos nasanay naring ito'y mistulan ng bahagi ng palagiang kaganapan sa ating buhay bilang isang pilipino.
Sa bawat sandali na ako'y lumilibot sa kamaynilaan, parati nalamang ako'y nakaka kita ng mga musmos sa lansangan. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung nasaan ang kanilang mga magulang at kung bakit hinahayaan na lamang silang naka handusay sa isang malamig at napaka ruming sahig.
Kung ating susuriin, hindi narin naman bago ang mga pangyayaring ito sa ating lipunan, maging noong panahon na tayo'y sakop ng mga kastila ay may roon narin namang mga kabataan na nasa lansangan , hindi nakakapag aral at walang perminenteng tirahan. Maaring malaki na ang pinag kaiba ng ating panahon kaysa noon ngunit , tunay nga bang nabago ang mga bagay na noon pa may nagaganap na at halos nakasanayan na lamang nating baliwalain?
Noon, ang Edukasyon ay hawak ng mga prayle, at ang mga kapwa natin indio ay tila mga mangmang na wala ng kinabukasan dahil sa pinag kakait sa kanila ang karunungang karapat dapat para sa lahat.
Ngayon, malaki na ang tyansang lahat ng pilipino ay maka tikim ng pangakong magandang hinaharap ng salitang Edukasyon. ngunit sa kadahilanang mayroon paring mga pinoy na hirap sa buhay, walang sapat na trabaho o kita , marami parin ang mga kabataan na di nakaka pag aral.
Nakaka pang lumo isipin na habang maraming pulitiko na nag papakasasa sa kaban ng bayan ay marami din tayong mga kababayan na higit na nanga-ngailangan ng tulong pang pinansyal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento